Wika ang pinakamalaking bahagi sa ating pakikipagkomunika sa araw araw dahil dito naipapakita at naipapaunawa natin ang nais ng isip o emosyon na iparating sa ibang indibidual. nilalayon nitong magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng ideya gamit ang wika.
sa kasalukuyang panahon ang wikang filipino ay patuloy na umuunlad at pinapahalagahan sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling wika at iba't ibang sumisimbolo dito , isa nadin ang paggamit nito sa sangay ng edukasyon sa mga asignaturang katulad ng Science,MAPEH, Math at lalong lalo na ang Filipino kong saan sa pamamagitan ng paggamit ng wikang filipino mas naiintindihan ng mga estudyante and mga dapat matutunan dahil na i babahagi ito ayon sa kanilang wikang sinilangan, dahil sa ganitong pamamaraan napapagpatuloy ang pagtatangkilik ng wikang Filipino. Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing agosto ay isang paraan nadin sa pagpapahalaga sa sariling wika dahil dito nagagamit ito ng diretso at naisasalo pa sa mga patimpalak katulad ng Tula,balagtasan at Sabayang pagbigkas.
Sa pag unlad ng ekonomiya kasabay nadin nito ang pagunlad ng mga instrument o gadgets na maaring makaapekto sa Wikang Filipino, ang mas napapansin ng mga kabataan ay ang wikang banyaga dahil sa social media at ito ang madalas na din na gamitin sa mga international na apps dahil dito parang pinabayaan na ang Wikang FIlipino. Ang mga pagdagdag ng wika ayon sa kahalagahan ng gamit nito ay tinatawag na pag-unlad pero kung ang isang wika ay iniba at ginamit sa walang kabuluhan saka lamang masasabi na ang wika ay ipinagwalang bahala. Ayon kay Caila Hotohot "Ang wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay hindi gaanong natatangkilik dahil mga kabataan ngayon ay nahihilig sa ibang wika tulad ng Korean at Iba pa." sa makikita natin sa panahon ngayon higit pa na mas tinatangkilik ang wika ng ibang bansa lalo na sa mga tugtugin at sa mga status ng kabataas pati nadin sa mga progprama sa tv katulad ng K-drama, hindi naman masama ang paghanga o pagtangkilik sa wikang banyaga subalit hindi dapat natin kalimutan ang ating sariling wika.
Comments
Post a Comment